NAGA CITY- Kasalukuyang nakaalerto ngayon ang mga otoridad matapos na makatakas sa nangyaring engkwentro ang mga pinaniniwalaang rebeldeng grupo sa bayan ng Pamplona, Camarines Sur.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, nabatid na habang nagsasagawa ng strike operation sa nasabing bayan ang tropa 9th infantry division at 9th Infantry battalion nang makasagupa ng mga ito ang nasa sampung pinaniniwalaang miyembro ng CTGs.
Kung saan, tumagal umano ng halos sampung minuto ang palitan ng putok sa pagitan ng dalawang groupo.
Wala namang naitalang nasugatan o namatay na parte ng mga sundalo sa nasabing engkwentro ngunit sa kasamaang palad, nakatakas sa kamay ng mga ito nasabing mga rebelde.
Gayunpaman, narekober ng mga otoridad ang isang long magazine na loaded ng anim na ammonition para sa caliber 5.56 at iba pang mga personal na kagamitan.
Sa ngayon, nagsasagawa na ng checkpoint ang mga otoridad sa nasabing lugar upang magsilbing blocking force sa agarang pagkakaaresto sa naturang mga rebeldeng grupo.