NAGA CITY – Arestado ang 13 katawo habang pinaghahanap naman ang isa pa matapos ang isinagawang magkahiwalay na pagsilbi ng search warrant ng mga otoridad sa lungsod ng Naga.
Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, napag-alaman na una nang isinagawa ang naturang operasyon sa Barangay San Felipe at Peñafrancia, Naga City.
Sa nasabing operasyon, naaresto ang mga suspek na kinilalang sina Araceli Arbuis, 67-anyos; Anjaneth Arbuis,30-anyos; Portia Arbuis, 28-anyos, habang nakatakas naman ang suspek na kinilalang si Luis Arbuis.
Samantala, sa isinagawa namang operasyon sa barangay Lerma, Naga City. naaresto rin ang pito katao na kinilalang sina Bryan Trasmer, Susana Bacod, kasama sina Marcelino Nodado, Napoleon Bongat, Bobby Imperial, Mark Omnis, at Carlito Magnate.
Kaugnay nito narekober din ng mga otoridad ang nasa siyam na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachets na nagkakahalaga ng nasa P102,000.00 at mga drug paraphernalia.
Batay sa imbestigasyon, nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o paggamit ng iligal na droga ang naturang mga suspek.
Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspek para sa karampatang disposisyon.