Higit 13 minero ang kumpirmadong nasawi habang 13 iba pa ang patuloy na pinaghahanap matapos bahain ang isang ilegal na minahan ng ginto sa West Java, Indonesia noong Miyerkules, Nobyembre 25.
Ayon sa mga ulat, natanggap lamang ng lokal na pulisya ang impormasyon tungkol sa insidente nitong Martes, 16 na oras matapos bahain ang minahan sa Pongkor, Bogor. Matatagpuan ang nasabing bulubunduking lugar may 60 kilometro ang layo mula sa kabiserang Jakarta.
Matinding pag-ulan ang pinaniniwalaang sanhi ng insidente, na nagresulta sa pag-apaw ng ilog at pagpasok ng tubig sa lugar ng minahan.
Dahil umano sa ilegal at patagong operasyon ng minahan, hindi agad naiparating sa mga awtoridad ang nangyari. Gayunman, agad na nagsagawa ng malawakang search and rescue operation ang mga kinauukulan noong Miyerkules ng madaling araw.
Nahaharap naman sa malaking hamon ang Search and Rescue Agency ng Jakarta sa pagsisikap na mailigtas ang mga na-trap at mahanap ang mga nawawalang minero.
Umabot na sa 325 rescue personnel ang ipinadala sa lugar upang tumulong sa operasyon. Kabilang sa mga pangunahing hadlang sa pagsagip ang makikitid na lagusan ng minahan na may lalim na humigit-kumulang 100 metro o 330 talampakan, limitadong ilaw at madulas na kondisyon ng lupa.
Patuloy ang operasyon ng mga rescue team sa kabila ng mapanganib na kondisyon sa loob








