NAGA CITY- Arestado ang dalawang indibidwal matapos ang isinagawang magkahiwalay na search warrant sa lalawigan ng Camarines Sur.
Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSSgt. Emyrose Organis, ang tagapagsalita ng Libmanan Municipal Police Station, sinabi nito na naaresto na nila si Allan Ruchelle Boncayao, isang empleyado ng CASURECO, 39-anyos, sa bisa ng search warrant na ikinasa ng mga awtoridad.
Ayon kay Organis, nakumpiska ng mga awtoridad kay Boncayao ang 17-pidaso ng heat-sealed transparent plastic sachet nang pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng P40,000.00; isang unit ng caliber 9mm revolver; isang piraso ng fired cartridge nang caliber 9mm; pitong piraso ng live ammunitions of caliber 9mm at iba pang drug paraphernalia.
Dagdag pa ni Organis, kinokonsedera bilang Street Level Individual ang suspek at nagpapakalat ng pinagbabawal na gamot sa ilang barangay sa bayan ng Libmanan.
Dahil dito, mahaharap ang suspek sa kasong palabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 at paglabag sa R.A 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act of 2013.
Samantala, arestado rin ang isang lalaki na kinilalang si Wilbert Herrera, 35-anyos, sa Brgy. Catagbacan, Goa, Camarines Sur matapos na makuhanan ng 10 pidaso nang live ammunitions of 9mm pistol; apat na pirasong totter; anim na piraso ng opened empty transparent plastic sachet at isang pocket size weighing scale.
Sa ngayon, kapwa nasa kustodiya na ng mga otoridad si Boncayao at Herrera para sa kaukulang kaparusahan.