NAGA CITY- Patay ang dalawang persona matapos na mabundol ng isang kotse ang isang motorsiklo sa Brgy Danlagan, Padre Burgos, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Enrico Delfin, 32-anyos, residente ng Barangay Kalilayan Ilaya, Unisan, Quezon, at Miguel Emmanuel Delfin, 19-anyos, residente ng Barangay Pag-Awasan sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO) , napag-alaman na habang tinatahak ng mga biktima ang kahabaan ng nasabing lugar patungo sa Pagbilao, Quezon nang mabundol ito ng kotse na minamaneho ni Christian Asi, 25-anyos.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nagtamo ng sugat sa ibat-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima dahilan ng kanilang agarang kamatayan.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa kaukulang disposisyon.