NAGA CITY – Sugatan ang dalawang inbidibwal matapos na mawalan ng kontrol sa minamanehong truck sa Maharlika Highway, Brgy.Flordeliz, Milaor, Camarines Sur.

Kinilala ang driver ng truck na si John Arnold Cañaveral, 24-anyos habang ang sakay nito na si Alfonso Andal, 47-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang binabagtas ni Cañaveral ang nasabing kalsada ng biglang hindi na nito makontrol ang behikulo dahilan upang makabangga ito sa isang street lights bago tuluyang mahulog sa isang ilog sa gilid ng daan.

Dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan sina Cañaveral at Andal na agad naman na dinala sa ospital para sa asistensya medikal.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.