NAGA CITY- Sugatan ang dalawang indibidwal matapos pagbabarilin ng kanilang kainuman sa Infanta, Quezon. 

Kinilala ang mga biktima na sina Noriel Solleza, 40-anyos, residente ng Brgy. Pilaway, at Zenady Rosales, 58-anyos, residente naman ng Purok Marang, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na ayon sa witnesses, habang nag iinuman ang mga biktima at ang suspek na kinilalang si Alyas Federico, 56-anyos, resident ng Brgy. Agos-Agos, nang magkaroon ng mainitang pagtatalo ang tatlo at biglang pinagbabaril ng suspek ang dalawang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, nabati pa na matapos isagawa ng suspek ang krimen, agad itong tumakas ngunit kalaunan ay naaresto ng mga awtoridad.

Samantala, narekober naman sa suspek ang isang 1911 Caliber 45 Llama Gabilindo, tatlong rounds ng cal. 45 fired cartridges, 8 piraso ng live ammunition ng Caliber 45 at 1 magazine ng caliber 45.

Sa ngayon ay nagpapatuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad hinggil sa naturang insidente.