NAGA CITY – Sugatan ang dalawa katao matapos pagsusuntukin umano ng isang Municipal Councilor sa bayan ng Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktimang sila Alvin Vargas at Vice-Mayor Gerardo Atienza.

Sa impormasyon na nakalap ng Bombo Radyo Naga sa PNP- Libmanan, napag alaman na habang nagsasagawa ng Medical mission ang mga nasabing biktima nang pagsusuntukin umano ang mga ito ni Councilor Allan Roxas.

Napag alaman rin na hindi pagkakaintindihan ang dahilan ng panununtok umano ng Bise Alkalde.

Dahil dito nagtamo ng mga sugat ang dalawang biktima na agad namang nilapatan ng lunas.

Sa ngayon nagpapatuloy ang isinasagawang imbistigasyon sa nasabing insedente.