NAGA CITY- Patay ang dalawa katao matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Purok 7 Brgy. Malabanban, Candelaria Quezon.

Kinilala ang mga biktimang sina John Rod Francia 29-anyos at Lorelee Mapoy 38-anyos pawang mga residente ng nasabing lalawigan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office (QPPO), sinasabing habang naglalakad ang mga biktima ng
biglang lumabas ang hindi pa nakikilalang suspek at pinagbabaril ang mga ito.

Kaugnay nito, nagtamo ng tama ng baril sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan ang mga biktima na agad ng mga nitong ikinamatay.

Narekober naman sa crime scene ang walong fired cartridge, isang calibre 9mm at tatlong fired slugs.

Sa ngayon, nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.