NAGA CITY- Patay ang dalawang indibidwal matapos pagbabarilin sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na si alyas Michelle, 35-anyos at si alyas Limuel parehong residente ng Brgy Bignay 1, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng mga biktima ang kahabaan ng Eco Tourism Road ng Brgy Bignay 1 papunta sa Brgy Guis-Guis Talon gamit ang pinagmamanehong tricycle ng bigla na lamang itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilang suspek na naging rason sa agaran nilang kamatayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, lumalabas na matapos ang insidente, kaagad naman na tumakas ang suspek sa hindi pa malaman na deriksyon.

Sa ngayon, patuloy pa ang isinasagawang follow up at hot pursuit operation ng mga kapulisan upang malaman ang pagkakakilanlan ng suspek sa nasabing krimen.