NAGA CITY- Nakapagtala na naman ng dalawang mgakahiwalay na insidente ng sunog sa lungsod ng Naga.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay SFO1 Arwin Yap, Investigator-on-Case ng Bureau of Fire Protection-Naga, sinabi nito na una nang nirespondehan ng BFP-Naga ang sunog na naitala sa isang residensiya sa Barangay San Felipe sa nasabing lungsod.

Ayon kay Yap, lumuwag na hose umano ng kalan ang dahilan ng sunog sa naturang residensiya.

Dagdag pa nito, tinatayang aabot naman sa P3,000.00 ang pinsala ng nasabing sunog.

Advertisement

Sa kabilang banda, basado ala-1:00 naman ng hapon nang respondehan ng BFP-Naga ang sunog na nangyari sa Sitio Paraiso, Sta. Cruz sa kaparehong lungsod.

Ayon pa kay Yap, nagsimula ang sunog sa mga nakatambak na lumang kagamitan sa likod ng bahay sa lugar at posibleng upos ng sigarilyo ang naging sanhi ng sunog.

Agad naman itong naapula kung saan tinatayang aabot lamang sa P1,000.00 ang iniwang pinsala ng nasabing insidente.

Samatala, sa pagtataya ni Yap, ngayon na buwan ng Hunyo, aabot na sa limang insidente ng sunog ang naitala sa magkakaibang lugar sa lungsod ng Naga.

Sa ngayon, paalala na lamang ni Yap na maging vigilante at laging i-check ang mga kagamitan sa bahay na posibleng simulan ng sunog upang makaiwas sa ganitong mga insidente.

Advertisement