NAGA CITY- Pasok sa finalist ng 24th Annual World Championships of Performing Arts (WCOPA) ang dalawang miembro ng Ireland-based Pinoy singing group.

Ang nasabing groupo ay isang dynamic ensemble ng four vocal talents na mayroong kaniya-kaniyang talento sa iba’t-ibang genre na kinabibilangan nina Marby Lynn Arriola, 17; Gwenaelle Noval, 16; Joshua Regala, 15; at si Fiona Cassandra Vargas, 13-anyos.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga sa groupong “The Brightlights” sinabi ng mga ito masaya ito dahil nakapasok sila sa kakatapos pa lamang na semi-finals ng WCOPA.

Ayon kay Gwenaelle, proud sila sa bawat isa lalo pa ng magawang makapasok sa finalist ng nasabing kompetensyon sina Joshua at Marby na nakatanggap rin ng gold vocal Awards.

Ayon naman kay Marby, bilang isang groupo natuto sila sa bawat isa pag dating sa paghasa ng kanilang talento sa pagkanta.

Nabuo umano ang kanilang groupo taong 2018 kung saan ito rin ang grupo ng unang Filipino band sa Ireland na nag-perform at nakapag-sold-out ng concert sa Dublin noong November 2019.

Samantala, mensahe naman ng mga ito sa mga kabataan na patuloy lang na mangarap dahil lahat ay posible.