NAGA CITY – Nagpapagaling pa ngayon sa ospital ang isang 14-anyos na binatilyo na umano’y aksidenteng nabaril ng kapulisan sa malawakang kilos protesta sa Hongkong.
Sa report ni Bombo International Correspondent Ricky Sadiosa, sinabi nitong pangalawa na ito sa mga na-irehistrong nabaril na menor de edad sa kalagitnaan ng kaguluhan.
Aniya, una nang nabiktima rito ang 17 -anyos na binatilyo na tinamaan din ng bala sa balikat ngunit stable na umano ang kalagayan sa ngayon.
Dagdag pa nito, wala agad aniya na rumespondeng ambulansya sa lugar dahil sa sarado ang mga kalye na inokupa ng mga raliyista.
Samantala, bukas, inaasahan namang magkakaroon ulit ng malawakang protesta sa nasabing lugar.