NAGA CITY- Patay ang drayber at backrider nito matapos mabangga ang motorsiklo nito sa isa pang motorsiklo sa Sariaya, Quezon.

Kinilala ang namatay a drayber na si Jeremy Ramirez, 24-anyos, at ang namatay na backrider nito na si Renato Ramirez, 51-anyos, residentes ng Brgy. Lutucan Malabag sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabaybay ng motorsiklo na pigmamaneho ni Ramirez ang kalsada mula sa Brgy. Poblacion 4 papunta sa Brgy Lutucan, Malabag sa nasabing bayan ng mabangga nito sa motorsiklo na pigmamaneho rin ni Rogelio Cagas, 38-anyos, residente ng Brgy. Lutucan 1 na binabaybay rin ang kaparehong direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, mababatid na dahil sa impact ng insidente, nagdire-diretso ang motorsiklo nila Jeremy at Renato dahilang upang mahulog sa canal kung saan nagtamo ang mga ito ng malalang tama sa ulo na nagreulta sa agarang pagkamatay nito.

Kaugnay nito, nagtamo rin ng mga sugat sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan si Cagas na agad ring dinala sa ospital.

Samantala, napag-alaman pa na mula sa inuman ang mga namatay na indibidwal bago ang insidente.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.