NAGA CITY – Patay ang dalawang indibidwal kasama na ang isang menor de edad matapos na matamaan ng kidlat sa Catanauan, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Jomar Cado Funtilar, 37-anyos at isang menor de edad na babae, residente ng Brgy. Tagbacan Ilaya sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang nasa loob ng kanilang bahay ang mag-ama ng biglang matamaan ng kidlat ang kanto ng bahay ng mga ito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad napag-alaman na dahil sa insidente nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na nagresulta sa agarang pagkamatay ng mga biktima.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang isisagawang imbestigasyon ng mga awtoridad.