NAGA CITY- Patay ang dalawang indibidwal matapos na pagbabarilin sa Barangay Mangilag Sur, Candelaria, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Antonio Ilagan at Ericksel Canchela, residente sa naturang lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, nabatid na habang binabaybay ni Ilagan ang kahabaan ng Maharlika Highway gamit ang minamanehong motorsiklo habang angkas si Canchela nang bigla na lamang itong pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang suspek.

Nabatid na dahil sa insidente, kaagad binawian ng buhay ang mga biktima.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad gayundin ang pagtunton sa pagkakakilanlan ng salarin sa krimen.