NAGA CITY – Sugatan ang dalawang indibidwal matapos sumalpok ang truck sa isang bus sa Barangay Tara, Sipocot, Camarines Sur.

Kinilala ang mga biktima na sina Jelyn Michaela Quezon at Veronica De los Santos, kapwa pasahero ng bus.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga ki PCpl Leoniel Fiesta, imbestigador ng Sipocot Municipal Police Station, sinabi nito na habang minamaneho ni Junie Boy Densing, 29-anyos ang kaniyang truck na mula sa Balintawak, Quezon at papunta sa Sorsogon ng mawalan ng preno ang kaniyang behikulo.

Dahil dito, aksidente nitong nabangga ang gilid na bahagi ng bus na minamaneho ni Rechie Eva, 44-anyos, na mula sa Camarines Norte papunta sa Legazpi.

Ayon kay Fiesta, sugatan sa insidente ang dalawang pasahero ng bus habang maswerte namang hindi nasugatan ang driver ng bus at truck.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang dalawang driver at pinag-aaralan na ang posibleng isasampang kaso laban dito.