Aabot sa 21 katao ang nasawi habang 35 iba pa ang sugatan matapos magsagawa ng airstrike ang militar sa Myanmar.
Kabilang sa mga tinamaan ng pambobomba ang isang paaralan at isang lugar kung saan idinaraos ang isang kasalan.
Ito na ang ikalawang sunod na araw ng pagsasagawa ng airstrike ng militar sa bansa. Noong Huwebes, binomba rin ang Magway Region na umano’y pinamumugaran ng mga resistance forces.
Advertisement
Kabilang sa mga lugar na tinarget ng militar ang Mrauk-U town sa Rakhine State.
Ang nasabing bayan ay nasa ilalim ng kontrol ng Arakan Army (AA), isa sa mga pangunahing grupong etnikong armado na patuloy na nakikipaglaban sa militar ng Myanmar.
Advertisement









