Alam ba ninyo mga ka-bombo, isang 24-anyos na Russian babae ang nagulantang ng kanyang malaman na ikinasal na ito sa isang Egyptian citizen mula pa noong 2022, isang taon matapos mawala ang kanyang passport.
Ayon sa hindi na pinangalanan na St. Petersburg resident, nawala ang kanyang passport taong 2021 kung saan matapos na maireport sa local police hindi na ito muling nagpa-issues ng kanyang travel document.
Ngunit kamakailan lamang, nang sinubukan nitong kumuha ng birth certificate para sa kanyang anak, nalaman nito na kailangan rin ang presensiya ng kanyang Egyptian na asawa na mayroong pangalan na Mustafa..
Dagdag pa ng babae, hindi nito kailanman nakita ang nasabing lalaki at wala rin itong ideya na kasal na pala sa nagngangalang Mustafa, ngunit ayon sa Russian registry asawa nito ang stranghero na lalaki.
Samantala, matapos naman na mapakinggan ang testimony ng babae at makumpirma na ideneklara nito na nawala ang kanyang passport at kailanman hindi pa nakita o nakilala ang kanyang Egyptian na asawa, ideneklara na annulled ng Russian Court ang nasabing kasal.