NAGA CITY- Ilang araw bago isailalim sa Modified General Community Quarantine ang limang lalawigan sa Bicol, nadagdagan muli ito ng tatlong
panibagong kaso ng coronavirus disease.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH)-Bicol, napag-alaman na sa ngayon umabot na sa 72 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa rehiyon.
Ito’y isang 57-anyos na lalaki mula sa Legazpi City na kinilala bilang si Bicol#70. Isang asymptomatic at kasalukuyang nakaquarantine sa lugar.
Habang mula sa Labo Camarines Norte naman si Bicol #71 na isang sampung taong gulang na bata at si Bicol#72 na 53-anyos na babae na parehong mayroong close contact kay Bicol #61 at kasalukuyang nakaquarantine sa Labo Quarantine facility.
Advertisement
Advertisement