NAGA CITY – Sugatan ang tatlong indibidwal, kasama na ang isang menor de edad matapos ang banggaan ng dalawang motorsiklo sa Bato, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasugatan na isang lalaking menor de edad, residente ng Sitio ivisorio, Brgy. Along-Ong, Libon, Albay; Jenny Tigue, 18-anyos, residente ng Zone 1, Brgy. Goyudan, Bato, Camarines Sur at Johnvic Obis, 18-anyos, residente naman ng Zone 5, Brgy. Buluang sa nasabing bayan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na habang tinatahak ng motorsiklo na minamaneho ng menor de edad na lalaki at sakay si Tigue ang National Highway portion ng Sitio Bayabas, Brgy. Buluang, Bato, Camarines Sur
papuntang north bound direction, ng bumangga ito sa motorsiklo na minamaneho naman ni Obis mula sa kabilang direksyon.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, napag-alaman na nasakop ni Obis ang kabilang linya na naging dahilan ng nasabing insidente.

Dahil naman sa impact, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kanilang katawan ang tatlong indibiwal na agad namang dinala sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.

Top