NAGA CITY- Arestado ang tatlo katao habang isa naman ang pinaghahanap pa matapos ang isinagawang buy-bust operation sa Barangay Calauag, Naga City.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Naga City Police Office, nabatid na kinilala ang mga suspek na naaresto na sina Christine Roda Sarto, 38-anyos, Mario Mirasol, 46-anyos, at Emmanuel Brazal, 46-anyos.

Base sa imbestigasyon, habang isinasagawa ang operasyon nang katong madakionna nagsasagawa ng pot session ang suspek na sila Mirasol at Brazal.

Kaugnay nito, narekober sa mga suspek ang tatlong heat sealed transparent plastic sachet ng pinaghihinalaang shabu at buy bust money.

Samantala, patuloy naman na pinaghahanap ang isa pang suspek na kinilalang si Henry Beron.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing suspek para sa karampatang disposisyon.