NAGA CITY- Sugatan tatlo katao matapos ang nangyaring banggaan ng motorsiklo at ambulansya sa Brgy. Busak Libmanan, Camarines Sur.

Kinilala ang mga nasugatan na sina Martie Dela Cruz 20-anyos na driver ng motorsiklo kasama ang mga backrider na pawang mga menor de na nasa 13 at 16-anyos.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PSsg. Emyrose Organis tagapagsalita ng Libmanan PNP, sinabi nitong mula sa Naga City ang ambulansya na minamaneho ni Albert Barizo 36-anyos at pabalik na sana sa Camarines Norte nang mahagip nito ang
likurang bahagi ng motorsiklo dahilan para tumagilid ito at tumilapon ang mga sakay nito.

Kaugnay nito, agad namang isinugod sa ospital ang mga lulan ng motorsiklo na nagtamo ng sugat sa kanilang katawan.

Sa ngayon, nasa kustodiya naman ng mga otoridad ang drayber ng ambulansya subalit wala na aniyang balak na magsampa pa ng kaso ang
mga sakay ng motorsiklo.