NAGA CITY- Sugatan ang tatlo katao matapos pagsasaksakin sa isang lamay sa Barangay May-Ogob, Ocampo, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMSgt. Melchor Antioquia , tagapagsalita ng Ocampo Municipal Police Station sinabi nitong nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan ang suspect na si Cristito Penones at mga biktimang sina Jovito Paz, Francisco Periabras at Ronnie Campana.

Ayon kay Antioquia, gamit ang isang kutsilyo pinagsasaksak ng suspect sa iba’t – ibang bahagi ng katawan ang mga bikitima na agad namang itinakbo sa ospital.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon habang nasa kustodiya na ng mga otoridad ang suspek para sa karampatarang disposisyon.