NAGA CITY – Sugatan ang tatlong indibidwal matapos na mabangga ng isang sasakyan ang isang tricycle sa Candelaria, Quezon.

Kinilala ang mga biktima na sina Walter Fajardo Dela Paz, 29-anyos; Cesar Cabrera Calusad, 45-anyos, at Julius Ceasar Temploñuevo Calusad, 24-anyos, residente ng nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng tricycle na minamaneho ni Dela Paz ang timog na direksyon nang mabangga ito sa likudang bahagi ng isang sasakyan na minamaneho ni Edgar Calalo Gelindon Jr., 25-anyos, residente ng Brgy. San Carlos, Lipa City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, napag-alaman na dahil sa nasabing insidente, nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng kanilang katawan ang mga biktima na agad namang isinugod sa ospital para sa asistensya medikal.

Advertisement

Sa nagyon, nagpapatuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa nasabing insidente.

Advertisement