Patay ang tatlong Lebanese paramedics habang dalawa naman ang sugatan matapos ang Israeli attack ayon sa Lebanon’s health ministry.
Batay sa report, ang IDF o Israeli Defence Forces ay naglunsad ng pag-atake upang e-eliminate ang mga terrorists na mula sa Amal terrorist organisation na nag-ooperate sa Hezbollah military structure sa area ng Froun sa southern Lebanon.
Kinondena naman ni Lebanese Prime Minister Najib Mikati, ang nasabing pag-atake at tinawag ito bilang violation ng international law at kanya rin na inanunsyo ang emergency meeting sa Western ambassadors gayundin sa international organisations upang mapag-usapan ang nasabing insidente