Nakatakdang idaos nina US President Donald Trump, Russian President Vladimir Putin, at Chinese President Xi Jinping ang kauna-unahang three-way meeting ng mga lider ng Estados Unidos, Russia, at China sa Shenzhen sa susunod na linggo sa sidelines ng Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) summit.
Ayon sa White House, layunin ni Trump na talakayin sa pulong sa Huwebes ang pagbabawas ng nuclear arsenals sa mundo gayundin ang nagpapatuloy na digmaan ng Amerika sa Iran.
Gayunman, hindi inaasahang pag-uusapan ang giyera ng Russia sa Ukraine dahil may hiwalay nang negosasyon ang Washington sa pagitan ng Kyiv at Moscow kung saan hindi bahagi ang China.
Sasamahan ni Tesla at SpaceX boss Elon Musk si Trump sa biyahe ngunit hindi siya lalahok sa pulong, habang magkakaroon din ng hiwalay na bilateral working lunch sina Trump at Xi subalit walang nakatakdang one-on-one meeting kay Putin.
Tiniyak din ng mga opisyal ng Amerika na hindi tatalakayin sa pulong nina Trump at Xi ang pagbibitiw ni Nvidia CEO Jensen Huang at ang export controls ng Estados Unidos sa mga sensitibong chip technology.
Bago tumungo sa China, nakatakdang umalis si Trump sa Washington sa Lunes at inaasahang darating sa Pilipinas sa Martes upang dumalo sa ASEAN Summit.














