Inanunsiyo ng Department of Energy (DOE) na darating na sa Pilipinas sa susunod na linggo ang humigit-kumulang 300,000 bariles ng diesel upang makatulong sa suplay ng bansa.

Ayon sa DOE, ang naturang suplay ay binili ng pamahalaan mula sa isang bansa sa Southeast Asia sa pakikipagtulungan ng Philippine National Oil Company (PNOC). Layunin nitong matiyak ang sapat na imbentaryo ng diesel sa gitna ng umiiral na tensyon at krisis sa Middle East.

Ipapamahagi ang mga darating na suplay sa mga pribadong kumpanya ng langis upang makatulong sa kakulangan sa merkado.

Gayunpaman, tinatayang sapat lamang ang 300,000 bariles ng diesel para sa halos dalawang araw na konsumo ng buong bansa.

Advertisement

Isinagawa ang pagbili kasabay ng inaasahang panibagong pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo sa mga susunod na araw.

Advertisement