NAGA CITY – Arestado ang lima katao na kinabibilangan ng apat na chinese nationals at isang pinoy sa anti-illegal mining exploration operation ng mga otoridad sa Purok Ruby, Brgy Poblacion Sur, Paracale, Camarines Norte.

Kinilala ang mga Chinese nationals na sina Chun Li, Li Wu Qian, Xiao Wu Qian, Shen Yuan Fan at Pinoy na si Jameson Lacutta.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), napag-alaman na naaktuhan mismo

ng mga otoridad ang iligal na gawain ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga ito ang isang bag ng mineral ore, 16 pirasong green alpombra, at iba pang mga mining paraphernalia.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang nasabing mga suspek habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.