NAGA CITY- Arestado ang maglive-in-partner matapos makuhanan ng iligal na droga sa Pamplona, Camarines Sur.

Kinilala ang mga suspek na sina Allan Dacian, 41-anyos, at Sheryl Villamor, 43-anyos, residente ng Zone-7, Brgy. Tampadong, sa nasabing lugar.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office, napag-alaman na naaresto ang mga suspek sa pamamagitan ng isinilbing search warrant ng mga awtoridad.

Sa pag-iimbestiga ng mga awtoridad, narekober sa dalawang suspek ang apat na piraso ng small heat-sealed transparent plastic sachets ng pinaghihinalaang shabu at ang iba pang drug paraphernalia.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga otoridad ang dalawang suspek na posibleng maharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.