NAGA CITY- Nanawagan ngayon si Naga City Mayor Nelson Legacion sa publiko na iwasan na ang pakikipag-inuman.
Ito’y matapos lumabas na halos 40% ng mga taong kasama sa contact tracing at nananatili ngayon sa quarantine facility ang mga nakainuman ng mga una nang nagpositibo sa corona virus disease (COVID-19).
Ito rin aniya ang naging kaso ng Spillway at Canda sa Concepcion Pequeña manging sa Sitio Tiripon sa Barangay Pacol.
Nabatid na halos 30 na ngayon ang active cases sa lungsod kung saan halos araw-araw may naitatalang dagdag na kaso ang DOH-Bicol na mula sa nasabing lungsod.
Una na ring nag-apela ng tulong si Legacion sa Department of Education dahil wala nang mapaglagayan ng mga COVID-19 patients dahil puno na ang Bicol Medical Center maging ang Infirmary sa lungsod.
Sa ngayon halos 30 na ang active cases sa nasabing lungsod habang may kabuuang 166 naman sa buong rehiyon.