Tampok ang limang Filipina delegates sa opisyal na pagsisimula ng Miss Grand International All Stars (1st Edition) matapos idaos ang “Welcome All The Stars to Bangkok & Sashing Ceremony” nitong Mayo 19, 2026 sa MGI Hall sa Bangkok.
Ang nasabing event ay nagsilbing pormal na pagbubukas ng veteran-focused edition ng Miss Grand International, kung saan 58 kandidata mula sa iba’t ibang bansa ang kalahok.
Kabilang sa mga Filipina delegates na rumampa sa entablado ay sina Gazini Ganados, Alexia Nuñez, Fuschia Anne Ravena, Keylyn Trajano, at Imelda Schweighart.
Pinangunahan ang programa ng Filipino host at Miss Grand International 2024 na si CJ Opiaza, kung saan isa-isang ipinakilala ang mga kandidata at isinagawa ang sashing ceremony.
Sa seremonya, suot ng mga kalahok ang kanilang presentation swimsuit at gown habang opisyal na isinuot ang personalized MGI All Stars sashes.
Ayon sa organizers, ang MGI All Stars ay espesyal na edisyon ng pageant para sa international veterans na may edad 20 hanggang 40 na hindi pa nakakahawak ng major crown.
Magpapatuloy ang kompetisyon sa Thailand hanggang sa final coronation night sa Mayo 30, 2026.














