NAGA CITY- Arestado ang limang lalaki matapos magpaputok ng baril habang nag- iinoman sa Barangay Palestina, Pili Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PMSgt. Eleno Calongui Sr. tagapagsalita ng Pili Municipal Police Station, sinabi nitong naabotan nila ang mga suspek na sina Joven Baw, Roland Nares, Neil Mar Odiaman, Erickson Brito at Jayson Magcayan.

Ayon kay Calongui, nakompiska sa mga ito ang isang caliber 45 at walong basyo ng bala na ginamit sa nasabing pangyayari.

Sa ngayong hinihintay na lamang ng mga otoridad ang resulta ng eksaminasyon mula sa crime laboratory upang malamang kung ang nasabing baril ay licensyado.

Nananatili naman sa ngayon ang mga suspek sa kustodiya ng mga otoridad habang hinahanda na ang kasong isasampa laban sa mga ito.