NAGA CITY- Tinatayang aabot sa kalating milyon ang narecover sa isinagawang magkakahiwalay na drug buy bust ops ng pinagsamang pwersa ng Naga City Police Office at PDEA CamSur sa lungsod ng Naga.

Kinilala ang mga suspect na sina Jovelyn Rivera, Loreto Morano, Joel Salazar, pawang residente ng Barangay Mabolo, Naga City.

Narecover sa mga ito ang dalawang plastic sachet ng pinaniniwalaang shabu na nagkakalaga ng P56,000.

Samantala, sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Agent Arlene Galiza, Provencial officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)

Camarines Sur, sinabi nito na naaresto naman sa isinagawang drug buy bust operation sa Barangay Triagulo Naga City ang mga suspect na sina , Alan Adan, Ely Balmes at Jonathan Sta. Ana.

Aabot naman sa 42 pirasong pinaniniwalaang shabu ang narecover naman sa mga ito.

Habang pinag hahahanap naman ngayon ang suspect na si Jericho Magpantay na nakatakas matapos ang nasabing operasyon.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng mga otoridad ang mga suspect habang hinahanda na ang mga kasong isasampa laban dito.