NAGA CITY- Sugatan ang anim katao matapos na araruhin ng isang kotse ang dalawang iba pang sasakyan sa Brgy. Salvacion, Tigaon Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang binabaybay ng
kotse na minamaneho ni Alona Mendoza 46-anyos ang kalsada sa naturang lugar ng mag-overtake ito sa isa pang motorsiklo ngunit biglang mawalan
ng kontrol sa minamanehong sasakyan.

Kaugnay nito, bumangga ito sa nagpapavulcanize na pick truck na pagmamay-ari ng isang Maiden Musa 40-anyos lulan ang isang pasahero at ang isa pang
tricycle sa minamaneho naman ni Noel Mirador 36-anyos lulan ang dalawang iba pang pasahero.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang nasabing mga persona na agad namang itinakbo sa ospital.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing insidente.