Ipinatupad na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) Camarines Sur ang anim na buwang suspensyon laban sa anim na konsehal ng Minalabac matapos silang mapatawan ng parusa sa kasong administratibo na inihain sa Ombudsman.
Kabilang sa mga nasuspinde sina Edilberto Platon Jr., Edmundo Simba Fabay, Rolito Ulvida Orosco, Nilo Nuello Cadores, Peddy Bayonito Benamira, at Miguel Sendon Bersabe.
Hindi naman kabilang sa implementasyon ng suspensyon ang retiradong konsehal na si Alejo Francis Reyes Sayson.
Batay sa desisyon, napatunayang lumabag ang mga naturang opisyal sa Section 21(B) ng Republic Act No. 11032 o ang Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018.
Ang nasabing batas ay naglalayong pabilisin ang mga transaksyon sa gobyerno at tiyakin ang episyenteng paghahatid ng serbisyo publiko.
Samantala, patuloy pang hinihingi ng Bombo Radyo Naga ang kabuoang detalye ng balita at maging ang reaksyon ng mga nasabing konsehal.














