NAGA CITY – Sugatan ang isang binata matapos tagain sa Lopez, Quezon.

Kinilala ang biktima na si Mark Ray Mondalico Roda, 18-anyos, residente ng Barangay Vergaña, sa nasabing bayan.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Quezon Police Provincial Office, napag-alaman na habang binabagtas ng biktima ang daan pauwi sa kanilang bahay gamit an pinagmamanehong motorsiklo, nang bigla na lamang umanong sumulpot ang suspek na kinilalang si Alyas Forperio, 53-anyos, residente ng Barangay Magallanes, na nasa ilalim ng impluwensya ng alak at dito na nga nito tinaga ang biktima.

Sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, nabatid na dahil sa insidente nagtamo naman ng sugat sa kanyang kamay si Roda na agad namang isinugod sa pagamutan para sa asistensiya medikal.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang suspek para sa karampatang kaparusahan