NAGA CITY- Nasa mabuting kalagayan na ang pito katao na nasugatan sa karambola ng tatlong sasakyan sa Brgy. San Jose, Iriga City, Camarines Sur.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLtcol. Elmer Mora, Chief of police ng PNP-Iriga, napag-alaman na habang binabaybay ng tricycle na minamaneho ni Dennis Bañaria kasama ang isang menor de edad ang kalsada sa naturang lugar nang biglang bumangga sa likod na bahagi nito ang isang truck na minamaneho ni Ronnel Arcega sakay ang pasaherong si Cris Simborio.

Dahil dito, nakabig ni Arcega ang manibela ng sasakyan ngunit nakabangga naman ito sa isang kotse na minamaneho naman ni Cynthia Florendo sakay si Brenda Balatan at dalawa pang menor de edad.

Dahil dito, nagtamo ng sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga driver at pasahero ng tatlong sasakyan na agad namang itinakbo sa ospital.

Sa ngayon nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad sa naturang insidente.