Photo @ web

Nasa kustodiya pa rin ng Bureau of Customs (BOC) ang walo sa 18 luxury cars na iniuugnay kay dating Ako Bicol Party-list Representative Zaldy Co matapos makumpiska kaugnay ng isyu ng umano’y kurapsyon sa flood control projects.

Ayon sa ulat, nasabat ng BOC ang mga naturang sasakyan noong Enero bilang bahagi ng imbestigasyon sa mga iregularidad na may kinalaman sa mga proyektong flood control.

Inilipat ang mga luxury cars sa compound ng BOC sa Maynila mula sa Independent Commission on Infrastructure (ICI), na naunang humawak sa mga ito habang isinasagawa ang pagsusuri.

Natapos ang termino ng ICI noong Marso 31, kaya tuluyang napunta sa kustodiya ng BOC ang mga nasabing sasakyan.

Advertisement

Samantala, sinabi ng ahensya na kung mapatutunayang kuwestiyonable o may problema ang dokumentasyon ng mga sasakyan, maaari itong ipa-auction alinsunod sa umiiral na batas.

Advertisement