NAGA CITY- Pasok ang siyam na bayan ng Camarines Sur sa mga nakapasa sa 2021 Good Finncial Housekeeping sa ilalaim ng Department of Interior and Local Government.
Kabilang sa mga nakapasa sa Good Financial Housekeeping standards ang bayan ng Baao, Balatan, Bombon, Goa, Libmanan, Ocampo, Pamplona, Sagñay at San Jose.
Samantala, ang Good Financial Housekeeping ang nagpapatunay na meron ang isang local na gobyerno nang maayos at magandang performance pagdating sa finacial transparency na kung saan kinakailangan na sumunod sa acounting at auditing standards, rules at regulations ang bawat LGU’s upang makapasa sa Seal of Good Financial Housekeeping sa ilalim ng naturang ahensiya.