NAGA CITY- Ikinalungkot ng LGBT Community ang ginawang pagbasura ng korte suprema sa same sex marriage sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Naga kay Winnie Reyes ng Bahaghari Bicol ipinaabot nito ang kanyang pagkadismaya sa naging desisyon ng korte.

Ayon kay Reyes, naniniwala siya na kailangang kilalanin ng korte ang mga karapatan ng kanilang grupo na nasabing usapin.

Hindi rin umano ito ang unang pagkakataon na napag-usapan ang naturang isyu kung kaya kailangan na mas mapag-aralan pa.

Advertisement

Kahit pa umano kasal na hindi sa loob ng simbahan, ayos lang sa kanila dahil patuloy nilang nirerespeto ang opinyon ng mga Pilipino.

Advertisement