NAGA CITY- Kasabay ng nagpapatuloy na COVID-19 pandemic ay ang pagpapababa rin ng halaga ng cash assistance na ipamamahagi sa mga residente ng Tokyo, Japan.
Sa report ni Bombo International Correspondent Hershey Nazrishvili, lilinawin aniya ngayong araw ng pamahalaan ng naturang bansa ang tungkol sa nasabing usapin.
Dagdag pa nito, nasa 8 trillion Yen aniya ang pondo ng pamahalaan na hahatiin sa lahat ng residente ng Japan.
Aniya, mas magiging praktikal ang pamamahagi ng naturang cash assistance kung lahat ay mabibigyan nito sapagkat lahat naman aniya apektado ng naturang krisis.
Sa ngayon, hindi pa aniya malinaw sa kanila kung magkakaroon ng income bracket ang pamamahagi ng nasabing tulong pinansiyal.
Kaugnay nito, hinihintay lamang nila ang mga protocol na dapat sundin upang makatanggap ng naturang cash assistance habang hinihimok naman ng pamahalaan ang mga dayuhan na mag-apply online.
Samantala, sa darating na Mayo aniya ay inaasahan nila na makakatanggap na ng naturang tulong pinansiyal ang lahat ng residente ng nasabing bansa.