NAGA CITY- Patuloy ngayon sa pagkalat sa mga social media at iba’t-ibang opisina at barangay ang mga hard copies ng mga Bicol Translations ng mga impormasyon at abiso ng Department of Health (DOH) kaugnay ng COVID-19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Vic Nierva, Bicol Translator, sinabi nito na isinalin sa Bicol Dialect ang mga pahayag at impormasyon na ipinapalabas ng DOH hinggil sa COVID-19.

Layunin nito na mas maintindihan ng maayos ng mga mamamayan ang inilalabas na mga impormasyon ng ahensya sa publiko.

Maliban sa social media, mayroon rin umanong mga hard copy na ipina-print ng ilang mga grupo at barangay.

Advertisement

Bukod dito, napag-alaman na base sa inilabas ng LanguageWarriorsPH ng Abril 16, ang Bicol ang may pinakamaraming naipublish na translated materials kaugnay ng #CoViD19 crisis.

Ayon kay Nierva, malaki ang papel ng dialekto at impormasyon sa paglaban sa pandemya

Advertisement