NAGA CITY- Sa halip na maligayang pagbati ang sumalubong sa kaarawan ng isang 27-anyos na lalaki, mga sugat ang natamo nito mula sa pananaksak ng mismong kapatid sa Pili, Camarines Sur.

Kinilala ang biktima na si Vicente Medenilla, residente ng naturang bayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay PLt. Col. Bogard Arao, hepe ng Pili PNP, sinabi nitong nag-iinuman aniya ang magkapatid ng bigla na lamang magkaroon ng mainit na argumento ang mga ito na nagresulta sa naturang insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon, ayon kay PLt. Col. Arao, dati na aniyang may hindi pagkakaunawaan ang magkapatid.

Advertisement

Dahil dito, nagtamo ng mga sugat sa iba’t-ibang parte ng kaniyang katawan ang biktima na agad namang isinugod sa ospital.

Samantala, kinilala naman ang suspek na si Manuel Carlo Medenilla, 31-anyos, residente ng naturang lugar.

Sa ngayon, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga otoridad gayundin ang paghahanap sa suspek na agad tumakas matapos ang naturang insidente.

Advertisement