NAGA CITY- Nagpaabot ng pasasalamat sa Bombo Radyo ang ilang mga Pinoy sa iba’t ibang bansa dahil sa pagtutok sa mga totoo at preskong impormasyon kaugnay ng COVID-19 hindi lamang sa Pilipinas ngunit maging sa ibang panig ng mundo.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Virgie Contreras, isa sa mga nurse sa dalawang malaking ospital sa California, sinabi nitong labis ang kanilang pasasalamat sa totoong balita na inilalabas para sa publiko.

Ayon kay Contreras, ang fakenews ang pinakamalalang bagay na pwedeng maglagay sa peligro sa buhay ng mga tao.

Samantala, ayon naman kay Andres Notario Bersabal, Community Engagement and Youth Empowerment Officer ng Philippine Honorary Consulate in Ireland, masaya aniya sila na nabibigyan ng pagkakataon na maiparating sa mamamayan ang sitwasyon ng mga kababayang Pinoy sa Ireland.

Advertisement
Advertisement