NAGA CITY- Naitala ang unang kaso ng COVID 19 sa lalawigan ng Camarines Norte habang muling nakapagtala naman ng isang panibagong kaso ngnaturang sakit ang Camaraines Sur.
Sa inilabas na impormasyon ng Department of Health Center for Health Development – Bicol, napag-alaman na isang 41-anyos na lalaki mula sa bayan ng Tigaon, Camarines Sur ang Bicol PH #60.
Ayon dito, nakaramdam ng sintomas ang pasyente noong Marso 26, 2020 at komunsulta ito noon lamang Mayo 5, 2020.
Isinailalim na rin ito sa swab testing sa Camarines Sur Provincial Health Office.
Samantala ang Bicol PH #61 naman ang pinaka-unang kaso ng COVID-19 sa lalawigan ng Camarines Norte na isang 45-anyos mula sa bayan ng Labo sa naturang lalawigan.
Noong Abril 27, 2020 ito unang nakaramdam ng sintomas at noong Mayo 4, 2020 naman ito komunsulta sa Camarines Norte Provincial Hospital.
Sa kasalukuyan inaalam pa rin ang history of exposure ng naturang mga pasyente.
Sa ngayon, pumalo na sa 61 ang kabuuang bilang ng COVID-19 sa buong rehiyon ng Bicol.