NAGA CITY- Sugatan ang tatlo katao kasama na ang isang militar at pulis sa pananaksak ng isang lalaki sa GCQ checkpoint sa Anayan, Pili, Camarines Sur.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Sur Police Provincial Office (CSPPO), napag-alaman na habang nag-gogrocery ang sibilyan na si Fernando Celestino, 47-anyos ng lumapit ang suspek na si Bonjinito Nogas, 57-anyos at pinagsasaksak ito.

Kaugnay nito, agad naman na lumapit si PFC Kim Oribiada, isang miembro ng 9th Signal Battalion, Infantry Division, Philippine Army para arestuhin ang suspek ngunit ito naman ang sunod na inatake ni Nogas.

Sunod na rumesponde ang pulis na si Pcpl. Ed Mykle Oliver, 31-anyos ng Pili PNP ngunit pinagsasaksak rin ito ng suspek.

Advertisement

Dito na rin lumapit ang iba pang mga otoridad na naka-assign sa Quarantine Control Point sa naturang lugar at inaresto ang suspek habang narekober naman dito ang kutsilyong ginamit sa krimen.

Sa kabilang dako, agad naman na itinakbo sa ospital ang mga sugatang biktima.

Advertisement