NAGA CITY- Mariing kinondena ng Jovenes Anakbayan ang isinusulong na Anti-Terrorism Bill sa pamamagitan ng isinagawa nilang kilos protesta sa Plaza Quince Martires, Naga City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Naga kay Sahsah Santa Rosa, tagapagsalita ng Jovenes Anakbayan, sinabi nito na ito ay bilang pagsuporta sa mga tutol rin sa naturang bill.
Ayon pa dito, hindi aniya malinaw ang depinisyon ng ‘terrorism’ na tinutukoy kung saan pwedeng masabing terorista at madakip ang sinuman na walang sapat na ebidensiya.
Aniya, kahit noong wala pa ang anti-terrorism bill, marami nang nalabag na karapatang pantao kung kaya labis umano itong nakakabahala.
Advertisement
Sa ngayon, patuloy ang kanilang panawagan sa pagbabasura ng naturang panukala.
Advertisement