NAGA CITY- Binigyang parangal ngayon ng lokal na gobyerno ng lungsod ng Naga ang ilang personalidad na tumulong upang patuloy harapin ang Coronavirus Disease.
Sa naging pahayag ni Naga City Mayor Nelson Legacion sinabi nito na ang nasabing mga personalidad ay naging katuwang ng gobyerno sa patuloy na pagsugpo sa naturang sakit.
Ayon kay Legacion, ito’y mula sa iba’t ibang sector ng lokal na gobyerno at pribadong sector.
Tiinatayang aabot sa mahigit sa 1,800 katao ang binigyang pagkilala dahil sa tapang na ibinigay nito na harapin ang nasabing sakit sa pamamagitan ng COVID-19 Inter-Agency Task Force ng lungsod mula Marso 10.
Advertisement
Advertisement