NAGA CITY- Malaki ang pasasalamat at papuri ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Naga sa pagpayag ni Bicol#369 na ibunyag ang kaniyang pagkakakilanlan.
Sa opisyal na pahayag ng lokal na pamahalaan, napag-alaman na si Bicol #369 ay si Jude Rey, isang empleyado ng Gobyerno Lokal ng Naga na nagtratrabaho bilang cashier sa Market Enterprise and Promotions Office (MEPO).
An kaniyang desisyon na ito ay pagpapakita ng kaniyang dedikasyon bilang public servant ng bayan na nais makatulong sa isinasagawang contact tracing ng pamahalaang lokal.
Sa ngayon, panawagan naman ni Naga City Mayor Nelson Legacion sa mga naging close contact ni Jude Rey simula ng nakarang Hulyo 20, hanggang Hulyo 24 na magbigay alam sa City Health Office para ma-assess at maipasailalim sa swab test.